Dinipensahan ng palasyo ang ipinatupad na restriksyon ng pamahalaan sa mga menor-de-edad na huwag itong palabasin ng kanilang kabahayan dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque na ang naturang hakbang ng pamahalaan ay saklaw n police power nito na proteksyunan ang sambayanan laban sa banta ng virus.
Bagamat mapipigil ang ilan sa kanilang mga karapatan gaya ng pagpunta sa mga gusto ng mga itong puntahan, ito naman ani Roque ay para rin sa kanilang kaligtasan o public good.
Mababatid na nagbunsod ang naturang pahayag ng palasyo matapos na sabihin ng UNICEF na sa paraan ng pamahalaan ay nalalabag nito ang karapatan ng mga kabataan o infringement of children’s rights.”