Epektibo na ang pagbabawal sa pagsusuot ng high heels sa trabaho ngayong araw.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, hindi dapat sapilitang pinagsusuot ng high heels ang mga empleyado, lalo na ang mga sales lady at lady guards.
Batay sa inilabas na Department Order No. 178- 17 ng Department of Labor and Employment , mandato ng mga employers na bigyan ng breaks at upuan ang mga empleyadong kinakailangang magsuot ng high heels.
Giit pa ni Bello dapat hayaan ng mga employer na makapagsuot ng komportableng sapatos ang mga empleyado para makaiwas sa anumang komplikasyon sa kalusugan tulad ng stress at labis na pagkapagod.
SMW: RPE