Tila deklarasyon ng war on love at hindi war on COVID-19 ang ipinag-utos ng pambansang pulisya na ipagbawal ang PDA o public display of affection.
Ito’y ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto matapos na igiit ng dapat linawin ng pnp ang naging pahayag ng kanilang tagapagsalita.
Ani Recto, kung ipagbabawal ang lahat ng uri ng pda ay tila aniya kalokohan na ito.
Kung kaya’t napatanong ang senador kung ipagbabawal na rin ba ang pagmamano ng mga kabataan at paghahawak yakap ni misis kay mister tuwing naka-angkas ito sa motorsiklo.
Binigyang diin ni Recto na sa ngayong may pandemya, mahalaga ang patuloy na komunikasyon kaya’t nararapat lamang na linawin ito ng PNP. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)