Posibleng maipatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Agosto ang pagbabawal sa pagpasok ng mga provincial buses sa EDSA.
Ayon kay MMDA traffic czar Bong Nebrija, sinulatan na nila ang mga local government para ipasara ang mga terminal sa kanilang nasasakupan.
Hihintayin aniyang malinis muna ang nga terminal bago tuluyang maipatupad ang bagong kautusan ng Metro Manila council.
Samantala, nilinaw ni Nebrija na walang madadagdag na bus kahit pa hindi na payagan ang mga bus mula probinsya na pumasok sa kalakhang Maynila.
Wala pong panibagong bus na dinagdag dito kaya po nagkaroon ng ano, kaya medyo natagalan ‘yung guidelines kasi in-identify kung ano ‘yung mga city buses na mageextend. Wala pong mga bagong buses na idadagdag, so ‘yun pa rin po,” ani Nebrija.
Balitang Todong Lakas Interview