Pabor ang ilang mga Senador sa inihaing batas sa kongreso kaugnay sa pagbabawal sa substitution o pag-atras ng mga kandidato para mapalitan ng isa pang kandidato bago ang eleksiyon.
Matatandaang inihain sa mababang kapulungan ni Senator Sherwin Gatchalian ang Senate Bill no. 2349 nito lamang lunes
Habang inihain din nina Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang section 77 ng Omnibus Election Code na nagpapahintulot sa Accredited Political Parties na may layuning palitan ang kanilang mga kandidato bunsod ng kamatayan, diskwalipikasyon o withdrawal.
Sa naturang panukala, dapat na pahintulutan ang replacement ng mga kandidato sa mga kaso ng incapacity o pagkabaldado, kamatayan at diskwalipikasyon sa halip na pagpapalit o substitution sanhi ng withdrawal o pag-atras ng isang kandidato.
Bukod sa dalawang naghain, aprubado din kina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe, at Sen. Joel Villanueva na co-authors ng nasabing panukala. —sa panulat ni Angelica Doctolero