Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang batas na magbabawal sa substitution ng mga kandidato dahil sa withdrawal nito.
Layon ng House Bill Number 10380 na pagbawalan ang mga partido na magpalit ng kandidato kahit pa ang dahilan ay kamatayan o diskwalipikasyon ng orihinal na kandidatong nagsumite ng kandidatura.
Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, nagiging daan kasi ito para manipulahin ng iba ang kandidatura o halalan.
Sa ngayon, bagama’t nagtapos na ang paghahain ng certificate of candidacy noong nakaraang linggo, pinapayagan pa rin ang substitution hanggang Nobyembre 15.