Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawas ng size ng culling zone.
Posibleng gawin na lamang kalahating metro mula sa dating one kilometer ang layo ng mga piggery na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Kasunod na rin ito ng pangamba ng DA na magkulang ang supply ng karne ng baboy dahil nadadamay ang mga walang sakit na ASF.
Tinukoy ni Agriculture Secretary William Dar ang isinagawang culling operation nitong nakalipas na January 12 kung saan-saan nasa halos 30,000 baboy lamang mula sa pinatay na mahigit 180,000 ang mayroong ASF.