Isinusulong ni House Committee on Basic Education and Culture Chair Roman Romulo ang pagbabawas ng mga subject ng mga estudyante ng Kindergarten hanggang Grade 3.
Sinabi ni Romulo na simula nitong nakalipas na Agosto ay iminungkahi na niya sa DepEd na bawasan ang bilang ng mga subjects sa Kindergarten at Grade 3 para naka focus lang sila sa basic lang.
Kabilang dito aniya ang Good Manners and Right Conduct (GMRC), mathematics at reading at dapat tiyaking makapagbagsa at makapag comprehend mula sa Grade 1 pa lamang.
Sinabi ni Romulo na ang resulta ng Pilipinas sa PISA nuong 2018 ay hindi malayo mula sa resulta ng National Achievement Test (NAT) na examination para sa Grade 6 at Grade 10 students para sukatin ang kanilang competencies.
Kaya kung titingnan, ayon kay Romulo ang resulta o scores ay halos pareho naman at hindi malayo kahit na ang NAT ay sa Pilipinas lamang kaya hindi dapat bigatan ng iba ibang subjects ang Grade 1 hanggang Grade 3 at basic lamang ang ibigay sa kanila.
Inihayag pa ni Romulo na nangako rin ang DepEd na magkakaruon ng agresivbong reporma sa basic education system sa gitna ng nasabing mga report.