Pagtutuunan ng pansin ng Philippine Genome Center o PGC ang pagtukoy sa COVID-19 variants sa pamamagitan ng pagbabawas ng ahensya sa kanilang COVID-19 testing.
Ayon sa Department Of Health, mula sa 150 hanggang 200 swab tests, lilimitahan nila ito sa 50 tests kada araw na tutulong sa buong genome sequencing ng PGC.
Mula naman sa 750 tests na pinoproseso kada linggo, makapag-sasagawa na ng 1,500 genome sequencing ang PGC sa mga susunod na araw.
Bahagyang umayos ang genome sequencing sa bansa makaraang maglaan ng P295.7 milyon alokasyon ang pamahalaan upang mas matukoy pa ang COVID-19 variants.
Dahil sa pondo, matutukoy na ng Visayas at Mindanao ang variant ng COVID na tatama sa isang pasyente.—sa panulat ni Drew Nacino