Mariing tinutulan ng All Workers Unity ang pagbabawas ng pondo para sa 2017 ng Department of Health.
Ayon kay Ann Villasica, tagapagsalita ng grupo, labis na maapektuhan sa budget cut, ang kalagayan ng mga health workers at pamilya nito.
Ipinaliwanag ni Villasica na maaaring maapektuhan sa pagkakaltas ng 36.4 Billion Pesos na pondo para sa maintenance and other operating expenses ang ibinibigay na subsidiya ng public hospitals sa diagnostic at laboratory expenses nito.
By: Katrina Valle / Aya Yupangco