Pinalawig pa ng BIR ang deadline sa paghahain ng tax returns at pagbabayad ng buwis sa mga lugar na nasa MECQ.
Sinabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay na ang 15 day extension o kapag natapos na ang MECQ sa Metro Manila ay makakatulong para bahagyang makahinga ang tax payers kung paano nila babayaran ang kanilang buwis.
Ayon pa kay Dulay, palalawigin din nila muli nila ang deadline sa pagbabayad ng buwis sakaling magkaruon ng extension ang pagsailalim sa MECQ ng NCR.