Pinapayagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng holiday pay para sa Mayo 25 na deklarado bilang regular holiday.
Ayon sa DOLE, may opsyon ang mga employers na pansamantalang iantala ang pagbabayad ng holiday pay sakanilang mga manggagawa hanggang sa humupa na nararanasang sitwasyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Gayundin, sa oras na makabalik na sa normal na operasyon ang establisyimento.
Samantala, sinabi ng DOLE na exempted o hindi na kinakailangan pang magbayad ng holiday pay ng mga negosyo o establisyimento na tuluyang napasara o tumigil ang operasyon dahil sa quarantine.
Deklarado bilang regular holiday ang Mayo 25, Lunes dahil tumapat ito sa paggunita sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng banal na buwan Ramadan sa Islam.