Unti-untiin ang pagbayad sa mga utang.
Ito ay ayon kay House Committee on ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda, malaking tulong ito sa publiko dahil kapag hindi malaki ang binabayarang utang ng pamahalaan ay mas maraming tao ang matutulungan.
Base sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury o BTR, nasa 33 bilyon lamang ang binayad ng pamahalaan sa utang ng bansa.
Nakasaad din sa BTR na malaki ang ang ibinaba sa binabayarang amortization ng pamahalaan kung saan dumoble ang babayarang interes nito.
Bagama’t sinabi ni Salceda na kahit tumaas ang utang ng gobyerno ay mababa naman ang peso on peso interes ng mga ito.
Samantala, kailangan na patuloy magkaroon ng fiscal at economic reforms at suportahan ng pamahalaan ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.—sa panulat ni Rashid Locsin