Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kanilang babayaran ang 20 billion peso COVID-19 reimbursement claims ng member-hospitals sa lalong madaling panahon.
Ito, ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, Pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), ang pangako sa kanilang PhilHealth.
Noong Lunes anya ay tinalakay ng PhilHealth at PHAPI ang unsettled claims ng mga ospital kung saan humingi ng paumanhin ang state medical insurer sa delay.
Inihayag naman ni PhilHealth Corporate Communications Senior Manager Rey Baleña na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ma-i-release ang bayad sa ospital.
Samantala, nanindigan si De Grano na itutuloy ng mga ospital ang bantang pagkalas sa PhilHealth sakaling mabigong maibigay ang balanse sa katapusan ng Nobyembre. —sa panulat ni Drew Nacino