Pinaiimbestigahan ng Egypt sa UN o United Nations ang umano’y pagbabayad ng ransom ng Qatar sa ISIS kapalit ng kalayaan ng mga binihag na miyembro ng kanilang royal family.
Ayon sa UN Deputy Ambassador ng Egypt na si Ihab Moustafa, halos isang bilyong dolyar ($1-B) ang ibinayad ng Qatar sa nasabing terorista.
Iginiit ni Moustafa, kapag napatunayan ang nasabing alegasyon, malinaw aniya na sinusuportahan ng Qatar ang terorismo.
Una rito, ilang resolusyon na ang isinumite ng mga miyembrong bansa sa UN para ipanawagang ang hindi pagbabayad ng ransom sa mga teroristang grupo.
2 Chinese national na mga guro kumpirmadong pinatay ng ISIS
Kinukumpirma na ng gobyerno ng Pakistan ang ulat na pinatay ng teroristang grupong ISIS ang dalawang (2) Chinese national na mga guro na kanilang binihag mula sa probinsya ng Baluchistan.
Kasunod ito ng paglabas ng nasabing ulat sa Amaq News Agency ng ISIS matapos na dukutin ang dalawang guro noong Mayo 24.
Ayon sa tagapagsalita ng Baluchistan Government, kanila nang beniberepika kung totoo ang ulat at mahigpit na nasasagawa ng rescue operations para mabawi ang dalawang Chinese teachers.
By Krista De Dios