Ikinalugod ng Malakanyang ang pagbagal sa paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Enero.
Ito ay matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 4.4 percent inflation rate noong nakaraang buwan.
The Philippine’s annual headline inflation at the beginning of 2019 continued to move at a slower pace of 4.4 percent. This is the lowest annual rate since April 2018. #PHPCPI #Inflation
— @PSAgovph (@PSAgovph) February 5, 2019
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patunay itong nananatiling nakatuon at matatag ang pamahalaan para matugunan ang mga pangunahing kondisyon na nakaapekto sa inflation ng bansa.
Ito aniya ay sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ng bansa noong nakaraang taon.
Tiniyak naman ni Panelo na magpapatuloy pa rin ang pamahalaan sa pagmonitor ng presyo ng mga pangunahing bilihin habang tinutugunan ang problema sa kahirapan at kagutuman sa bansa.