Positibo si Albay Rep. Joey Salceda na magiging maganda para sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagbagal ng inflation rate ng bansa.
Ito ang inihayag ni Salceda makaraang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang datos kung saan, pumalo sa 4.1% ang naitalang inflation ng bansa para sa buwan ng Hunyo.
Ayon kay Salceda, malaki ang mai-aambag nito sa muling pagbangon ng bansa matapos ang mahigit isang taon nang pagkakalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.
Pero hamon ni Salceda sa pamahalaan, huwag maging kampante bagkus ay magdoble kayod pa rin upang matugunan pa rin ang pangangailangan ng mga Pilipino.