Inaasahang babagal ang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon bago makabawi sa 2021 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa pagtaya ng Asian Development Bank (ADB), posibleng pumalo lamang sa 2% ang gross domestic product (GDP)ng bansa ngayong taon.
Mas mababa sa naitalang 5.9 % GDP noong 2019.
Ayon kay ADB Country Director for the Philippines Kelly Bird, posibleng maramdaman ang pagbaba sa ekonomiya ngayong ikalawang bahagi ng taon.
Sinabi naman ni Bird, posibleng makabawi ang ekonomiya at lumago ng hanggang 6.5% sa 2021 kung makokontrol ang pandemic sa darating na Hunyo.