Hinimok ni Senator-elect Leila de Lima si incoming President Rodrigo Duterte na umakto bilang Pangulo para sa ikabubuti nito at ng sambayanang Filipino.
Ito ang inihayag ni De Lima makaraang murahin at batikusin ni Duterte ang United Nations.
Ayon kay De Lima, panahon na para mapagtanto ni Duterte na siya na ang magiging pinaka-mataas na pinuno ng bansa.
Pawang “bulok” na anya ang mga maanghang na pananalita at pagmumura ng susunod na Pangulo sa isang press conference.
Iginiit ng halal na Senador na dapat panindigan ni Duterte ang pangako nitong “metamorphosis” o pagbabago na dapat magmula sa kanya sa oras na opisyal ng umupo bilang Pangulo.
By: Drew Nacino