Pumalag ang Department of Health (DOH) na palitan ang depinisyon ng “fully vaccinated” o mga indibidwal na nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay matapos imungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na sa halip gamiti ang terminong “fully vaccinated”, mas makakabuti raw sabihin na mga indibidwal na naturukan ng booster shot matapos ang primary dose.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa mga eksperto, hindi ito naaayon ang kung pag-uusapan ang scientific evidence at global practice.
Sa katunayan aniya, kahit ang ng United States Centers for Disease Control and Prevention ay hindi binago ang depinisyon ng ‘fully vaccinated’.
Pero nilinaw naman ng kalihim na pinag-aaralan na nila ngayon ang pag-adopt sa format ng vaccination cards sa Estados Unidos. – sa panulat ni Abie-Aliño Angeles