Ibinabala ng Communist Party of the Philippines ang pagbagsak ng peace talks sakaling palawigin pa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao o gawin itong nationwide.
Ayon kay CPP Founding Chairman Jose Maria Sison, ituturing nila itong deklarasyon ng giyera kontra mga rebolusyonaryong grupo.
Kahit aniya pagpapalawig lamang ng Martial Law sa Mindanao ang mangyari siguradong magiging target rin ng militar at pulisya ang mga NPA o New People’s Army at iba pang rebolusyonaryong grupo na nasa Mindanao.
By Len Aguirre
Pagbagsak ng peace talks ibinabala kung palalawigin ang Martial Law was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882