Photo Credit: PhilRice
Bumagsak sa dose pesos (P12) kada kilo ang benta ng palay ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon.
Ayon kay Butil Party-list Representative Cecilia Chavez, ito ay maaaring epekto ng rice tariffication law kung saan walang limitasyon sa pag-aangkat ng bigas.
Sinabi rin ni Chavez na bukod sa nasabing batas, maaari din dala ng epekto ng El Niño kaya’t mababa ang presyuhan sa palay.
Masuwerte na aniya kung mabili ang palay ng katorse (P14) hanggang kinse pesos (P15) kada kilo.
Naniniwala naman si National Development and Economic Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercy sombilla na masyado pang maaga para masabi kung ang pagpasok ng inangkat na bigas ang sanhi ng pagbagsak ng presyo ng palay.
—-