Pursigido ang Climate Change Commission (CCC) na solusyunan ang matinding pagbaha sa bayan ng Masantol sa Pampanga.
Kasunod na rin ito nang pagtungo ng mga opisyal ng CCC sa Masantol na nadiskubre nilang may baha pa rin kahit walang ulan.
Ang pagbaha sa nasabing bayan, ayon sa CCC ay dahil sa climate change gayundin sa high tide at paglalabas ng tubig mula sa isang dam.
Tiniyak ng CCC ang pagkakasa ng mga programa sa susunod na administrasyon at ang paghahanap ng solusyon sa pagbaha sa masantol ang isa sa mga priority nila.