Pinasisisyasat ng airline operators sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang paglala ng baha sa Tarmac area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.
Ito ay matapos umabot sa halos hanggang bewang ang baha sa Tarmac area nang bumuhos ang ulan kagabi dahilan para maantala ang flights ng Air Zest patungo sa Davao at Kalibo.
Iginiit ng mga airline operator na lubhang mapanganib ang pagbaha sa runway dahil maaaring madulas ang eroplano dahil sa pressure sa pag-landing nito.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)
WATCH: Video Courtesy of Raoul Esperas via Youtube