Inilipat na ng Philippine National Police ang ilang opisyal upang pangunahan ang mahahalagang units epektibo noong Sabado sa gitna ng nalalapit na pagreretiro ng isang senior official.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos, ang re-assignment ng mga opisyal ay aprubado ng Commission on Elections bilang bahagi ng proseso para sa Halalan 2022.
Ini-re-assign anya si dating PNP Health service director, Brig. Antonino Raymundo Cirujales sa office of the chief PNP bilang non-duty status bago ang kanyang retirement sa May 10, 2022.
Pinalitan naman si Cirujales ni Col. Jezebel Dominguez Medina bilang acting health service director habang si dating deputy Director for Logistics o DL, Brig. Gen. Lorenzo Barron Detran Jr. ay nire-assign upang pamunuan ang logistics support service o LSS.
Humalili sa kanya si dating PNP Bicol Director, Brig. Gen. Jonnel Cabrillos Estomo na ngayo’y bagong deputy for DL.
Ang bago namang PNP Bicol director ay si Brig. Gen. Mario Albitos Reyes, na dating head ng LSS unit.