Naniniwala ang CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines na napapanahon na upang magbago at mabalik-loob sa Diyos ang lahat ng opisyal ng pamahalaan at mga kawani ng Philippine National Police para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa.
Ang panawagan sa mga lingkod-bayan ay ginawa ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles kaugnay ng pagkakabit ng ganap na pagbabago at pasasaayos ng bayan ngayong panahon ng kuwaresma.
Ayon kay Arguelles, mahalagang mayroong malinis na konsensiya at intensiyon ang lahat ng mga empleyado at opisyal ng pamahalaan sa kanilang posisyon dahil nasa kanilang mga kamay ang kinabukasan ng buong bayan.
Batay sa tala ng PDEA o Philippine Drug enforcement Agency, halos 70 na ang mga halal na opisyal ng pamahalaan ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot na kinabibilangan ni Sen. Leila de Lima.
By: Jelbert Perdez / Aya Yupangco