Nasa kamay na ng Food and Drug Administration (FDA) ang desisyon kung ibabalik sa merkado ang dengvaxia.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, isang health advocate, mas mabilis ang proseso kung diretso na sa FDA ang direktiba na pag-aralan kung maaaring ibalik na agad sa merkado ang dengvaxia.
Samantala, ang dapat naman anyang gawin ng Sanofi, ang manufacturer ng dengvaxia, ay mag-apply ulit sa FDA para sa lisensya at isumite ang mga kulang nilang requirements noong nakaraan dahil hindi naman sila banned sa bansa.
Una rito, sinabi ni Health Secretary Franciso Duque na inatasan na nya ang UP-PGH para magbigay ng rekomendasyon kung ibabalik sa merkado ang dengvaxia.
Kung hindi rin naman maibabalik ng UP-PGH kung sakaling sabihing okay siya, e. Kasi ifoforward pa rin ‘yung recommendation doon sa FDA. Siya ang nagbibigay ng lisensya sa gamot para maibalik siya, e. Siya rin ang nagpu-pullout kung may nangyaring masama pag ibinigay sa taumbayan. Gano’n po ‘yun, e. Meron po silang kakayanan, meron po silang technical panel na matagal na po d’yan na kanila pong kinokonsulta. At kung hindi man po nila kaya, magtatawag po sila ng mga consultants of the academe,” ani Leachon.
Ratsada Balita Interview