Naniniwala ang National Parents Teachers Association (NPTA) na maraming magandang maidudulot ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga mag-aaral.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NPTA President Willy Rodriguez na dahil dito ay bumalik ang social life ng mga estudyante.
Aminado si Rodriguez na mahirap talaga ang online classes ngunit dahil din aniya dito ay nagkaroon ng magandang koneksyon ang mga magulang, guro at mag-aaral.
Sinabi pa ni Rodriguez na dapat na magtuloy-tuloy ang in-person classes ng mga estudyante lalo’t bumababa na ang kaso ng COVID-19.