Hindi magiging kasagutan ang muling pagbalik ng parusang kamatayan para sa mga krimen na tulad ng rape at pagpatay.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Jose Manuel ‘Chel’ Diokno, chair ng Free Legal Assistance Group (FLAG).
Ayon kay Diokno, naniniwala siya na dapat dumaan sa maayos na imbestigasyon ang lahat ng krimen naitala sa bansa at mabigyan ng nararapat na kaparusahan.
Kaugnay ito sa muling isinusulong na death penalty dahil sa mga sunod-sunod na krimen naitala sa bansa tulad ng pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac at ang kontrobersiyal na pagkamatay ng isang flight attendant sa Makati.
Sa huli ani Diokno, hindi sa bigat ng parusa ang maaaring ipataw sa may sala kundi ang kasiguruduhan na ang lahat ng nagkakasala ay napaparusahan. —sa panulat ni John Jude Alabado