Nanawagan na ang Sri Lanka sa Russia na magsuplay ng langis at ituloy na ang mga tourist flight sa kanilang bansa.
Ito ay para matulungan ang Sri Lanka na nakakaranas ngayon ng matinding krisis sa ekonomiya.
Ayon kay Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa, nakipag-usap na siya kay Russian President Vladimir Putin upang makautang ng langis at maibalik ng biyahe mula Moscow patungong Colombo.
Hindi naman tumutol ang Russia sa hiling na binigyang-importansiya ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang Russia at Ukraine ang mga bansang pangunahing pinagkukunan ng langis ng Sri Lanka bago pa magsimula ang gulo.