Tinanggal na ang mga traditional jeepneys sa ilang mga ruta na dati nilang tinatakbuhan.
Ayon kay Zeny Maranan, pangulo ng FEJODAP, nilagyan na ng Department of Transportation (DOTr) ng mga bus ang mga ruta na dati ay tradisyonal na jeepneys ang tumatakbo.
Hanggang ngayon rin anya ay wala pang katiyakan ang sinasabi ng DOTr na papayagan nang magbalik pasada ang traditional jeepneys sa susunod na linggo dahil wala namang ipinaparating sa kanila ang DOTr.
Yun na nga, dinaanan na ng bus tulad nitong Antipolo-Cubao na ito. Nilagyan nila ng bus na halos 150 na Cogeo-Padilla, Cogeo-Cubao ganyan nilagyan nila ito. Tinanong namin kay Chairman Delgra anong mangyayari sa aming mga jeep dito, traditional jeep na halos 300 unit ang tumatakbo dito sa lugar na ito, 400. Ang sagot niya ‘wala na kayo’, wala na kayo malinaw ‘to”, ani Maranan.
Iginiit ni maranan na ginamit talaga ng DOTr ang COVID-19 pandemic para ituloy ang pag phase out ng mga tradisyonal na jeepneys at palitan ito ng mga mini buses na gawa sa ibang bansa.
Dyan mo makikita na wala silang pinoprotektahan kahit hindi yung taga ibang bansa pupunta at manggagaling mga ginagawa nila kasi kitang-kita palang namin sa mga usapan palang ay nakita na namin ay style L300 sapagkat yung drawing nila. Kaya sabi namin bakit ganyan kasi we’re expecting na kung saka-sakali hindi yung parang mini bus, naglalakihan na yung mga ilalagay nila sa kalsada,” ani Maranan. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.