Mariing tinutulan ni Senate President Franklin Drilon ang iginigiit ni President-elect Rodrigo Duterte na pagpapabalik sa death penalty.
Ayon kay Drilon, posibleng magkaroon ng loophole sa pagpapatupad ng parusang bitay sa bansa dahil hindi perpekto ang Justice System natin.
Dagdag pa ni Drilon, hindi na maibabalik ang buhay ng isang tao kapag nagkamaling bitayin iyon.
Gayunpaman, handa pa rin aniyang pakinggan ni Drilon ang magiging posisyon ng mas nakakarami hinggil sa usapin ng death penalty sa bansa.
By: Avee Devierte