Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa Pangulo at sa pambansang pulisya na muling ilunsad ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.
Sa rally ng Duterte Supporters sa Quirino Grandstand sa Maynila kagabi, sinabi ni Cayetano na nanumbalik ang kalakalan ng iligal na droga magmula nang itigil ang Oplan Tokhang noong isang buwan.
Ayon sa Senador, kapag muling napayagpag ang iligal na droga, kaakibat nito ang iba pang uri ng krimen.
Sinabi ni cayetano na kapag ibinalik ang Oplan Tokhang, hindi na, aniya, ito kikilalanin bilang gyera kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ng taumbayan.
By: Avee Devierte