Umapela ang Department Interior and Local Government At League of Provinces of the Philippines sa Senado na ibalik ang itinapyas na P24 billion na 2022 proposed budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año na sa laban kontra sa mga terorista, magbibigay ng maling signal sa local government units, na umaasa sa mga development projects sa susunod na taon, ang pagbaklas sa pondo ng support to the barangay development program.
Ayon kay Año, dapat alalahaning ang laban sa mga communist terrorist group ay hindi lamang isang uri ng pakiki-baka bagkus isa rin itong laban para sa puso at isip ng mga mamamayan.
Mula sa panukalang P28 billion ng NTF-ELCAC, ginawa na lamang itong P4 billion ng Senate Finance Committee na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara.
Layunin nitong ilaan ang pondo para sa benepisyo ng mga healthcare workers sa gitna ng Covid-19 pandemic. —sa panulat ni Drew Nacino