Bukas ang Malakanyang sa ‘commitment’ ng Amerika na ibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal nang hinihiling ng Pilipinas sa Amerika na maibalik sa kanila ang kontrobersyal na kampana.
Binigyang diin ni Abella na ang Balangiga Bells ay bahagi na ng national heritage ng bansa at ang pagbabalik nito sa Pilipinas ay mahalaga dahil pinapaalala nito ang kadakilaan ng mga ninunong Pilipino.
Una nang tiniyak ni US Ambassador Sung Kim ang pagbabalik ng Balangiga Bells.
By Judith Estrada – Larino
SMW: RPE