Pinapurihan ng National Democratic Front (NDF)ang banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika.
Ayon kay NDF-Southern Mindanao Spokesperson Rubi del Mundo, wala ibang Pangulo ang diretsahang bumatikos sa pakikisawsaw ng Estados Unidos sa mga problema ng Pilipinas kundi si Duterte pa lamang.
Dapat anyang paalalahanan ang US government at panagutin sa pagpatay ng milyun-milyong katao dahil sa paghahangad sa kapangyarihan at manakop ng ibang bansa sa imperialistang paraan.
Naniniwala si Del Mundo na nababahala na ang Amerika dahil posibleng mawalan ito ng control sa Pilipinas sakaling magtagumpay ang peace negotations sa pagitan ng gobyerno at NDF.
Dahil dito, hinihinmok ng U.S. Ang mga anti-Duterte force upang isabotahe ang usapang pangkapayapaan maging sa mga rebeldeng Moro na matinding tutol sa pakikisawsaw ng Amerika sa mga usapin sa Pilipinas.
By: Drew Nacino