Malaki ang pasasalamat ni Catanduanes Governor Joseph Cua sa personal na pagbisita sa kanilang lalawigan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Ito ay matapos ang matinding pananalasa ng bagyong Nina sa Catanduanes.
Ayon kay Cua, inaasahang mas mapapabilis ang pagbangon ng Catanduanes sa tulong ng national government na nakita aniya ang sitwasyon ng kanilang lugar.
Bahagi ng pahayag ni Catanduanes Governor Joseph Cua
Samantala, patuloy pa rin ang clearing operations sa Catanduanes dahil sa 7 munisipalidad pa ang hindi passable matapos ang naitalang 21 landslides sa kasagsagan ng bagyo.
Iniulat pa ni Cua na putol pa rin ang suplay ng kuryente sa Catanduanes.
Bahagi ng pahayag ni Catanduanes Governor Joseph Cua
By Ralph Obina | Karambola
Photo from Governor Joseph Cua