Aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong taon bago tuluyang maisaayos ang mga nasira ng giyera sa Marawi City.
Ayon sa tagapagsalita ng Office of the Civil Defense o OCD na si Romina Marasigan, ang naturang timeline ay batay sa initial assessment sa pinsala na natamo ng lungsod dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at grupong Maute–ISIS.
Ani Marasigan , hindi pa pinal ang timeline dahil hindi pa tuluyang napapasok ng kanilang assessment team ang main battle area.
Sinabi pa ni Marasigan na magkakaroon lamang sila ng tiyak na timeline kapag nabuo na ang recovery plan para sa rehabilitasyon ng Marawi at kapag tuluyan nang natapos ang giyera sa lungsod.
SMW: RPE