Tinabla ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang paglalagay ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa kanilang grupo sa hanay ng mga terrorista.
Ayon kay Marco Valbuena, information officer ng CPP, ang hakbang ng ATC ay pagpapatunay lamang anila ng pagiging pasista ng administrasyong Duterte.
Dagdag pa ni Valbuena, malinaw din anila ang mensahe nito sa publiko hinggil sa tiyak na pagpapatuloy ng mga karahasan at panggigipit ng rehimeng Duterte sa lahat ng mga tumutuligsa sa pamamahala nito
Sa huli, iginiit ni Valbuena na ang tanging layunin anila ng rebolusyonaryong pakikibaka ay upang itama ang mali sa pamahalaan at isulong ang demokratikong interes ng sambayanang Pilipino.