Ikinalungkot ng Palasyo ang nangyaring pagbaon umano ng dumi ng mga batang Chinese tourist sa Isla ng Boracay.
Panelo sa Chinese tourist na dumumi sa Boracay: It’s a violation, syempre we are not happy about that.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 15, 2019
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may kani-kaniyang rules and regulation ang bawat lugar, partikular na sa Boracay, na kailangang sundin ng mga turista.
Sinabi naman ni Panelo na dapat na magkaroon ng magagamit na restroom o palikuran sa buong isla o di kaya ay pagkakaroon ng portable restroom upang maiwasang maulit ang naturang pangyayari.
Paglabag, ani Panelo, ang naturang pangyayari ngunit kinakailangan pa rin aniya nating ingatan ang mga turista sa bansa.