Muling itinakda ng Sandiganbayan na basahan ng sakdal si dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos sa Abril 27.
Kaugnay ito sa kasong graft na kinahaharap ni Abalos sa 6th Division ng Anti-Graft Court dahil sa pagbili ng mamahaling sasakyan na hindi dumaraan sa tamang bidding.
Pinaboran ng Anti-Graft Court ang mosyong inihain ni Abalos na huwag muna siyang basahan ng sakdal dahil nakatakda pa siyang maghain ng motion for reconsideration para ibasura ang kaniyang kaso.
Magugunitang bumili ang COMELEC sa pangunguna nuon ni Abalos ng dalawang Toyota Revo noong 2003 na nagkakahalaga ng 1.71 milyong piso.
By Jaymark Dagala