Hindi natuloy ang nakatakdang pagbasa ng sakdal laban kay dating Solicitor General Agnes Devanadera, at ito ay inilipat sa Hunyo a – otso.
Ito ay matapos isumite ni Devanadera ang kanyang urgent motion na ibasura ang kanyang kinakaharap na kasong graft kaugnay sa pinasok na compromise agreement ng Philippine National Construction Company sa isang British Lending Firm hinggil sa pagbabayad sa anim na bilyong Pisong utang nito.
Iginiit ni Devanadera na kailangan nang ibasura ang kanyang kaso, lalo na at nadismiss na kaso laban sa labing dalawang dating opisyal na kasama niya rito.
Nilabag din aniya ng Ombudsman ang kanyang karapatan para sa mabilis na paglilitis lalo na at ang reklamo ay inihain sa Ombudsman noon pang 2010.
By: Katrina Valle