Muling ipinagpaliban ng Muntinlupa Regional Trial Court ang pagbasa ng sakdal kay Senador Leila de Lima sa isa sa tatlong illegal drug trading case na kinakaharap nito.
Personal pang humarap sa Branch 205 ng Muntinlupa RTC si De Lima subalit agad rin itong pinabalik sa PNP Custodial Center matapos lamang ang ilang minuto.
Nagpasya ang hukom na resolbahin na muna ang lahat ng mosyong may kinalaman sa kaso bago isagawa ang arraignment.
Muling itinakda ni Judge Amelia Fabros-Corpuz ang pagbasa ng sakdal kay De Lima at sa kapwa akusadong si Jose Adrian de Vera sa Nobyembre 24 ng taong ito.
—-