Hinarang ng Korte Suprema ang nakatakda sanang pagbasa ng sakdal kina dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III at dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF o Special Action Force Commander Getulio Napeñas sa Sandiganbayan.
Ito’y makaraang magpalabas ng TRO o Temporary Restraining Order ang high tribunal kaugnay ng mga kasong graft at usurpation of authority na isinampa ng Ombudsman laban kina Aquino, Purisima at Napeñas dahil sa pagkasawi ng tinaguriang SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao nuong 2015.
Batay sa tatlong pahinang kautusan ng 1st Division ng High Tribunal, pinigil din nito ang pagpapatupad ng resolusyon ng Ombudsman na nagbabasura sa reklamong reckless imprudence resulting to multiple homicide laban sa tatlong dating opisyal.
Magugunitang iginiit ng petitioner na sina Felicitas Nacino et al gayundin ng Office of the Solicitor General na mapawawalang saysay na mapanagot ng taumbayan ang dating Pangulo kung itutuloy ng anti-graft court ang mahinang kasong isinampa ng Ombudsman laban sa mga ito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio