Nanganganib mapilayan ang ekonomiya ng Palma sa Canary Islands, Spain sa gitna ng pag-a-alboroto ng Cumbre Vieja Volcano.
Ekta-ektaryang sagingan ang unti-unti nang nilalamon ng abo mula sa sumasabog ng bulkan bukod pa sa lava na ibinubuga nito patungo sa ilang bahagi ng isla.
Halos mabura rin sa mapa ang ilang bahagi ng bayan ng todoque makaraang lamunin ng lava ang mga kabahayan, eskwelahan at mga sagingan na pangunahing kabuhayan ng mga residente.
Ayon sa mga otoridad, nasa dalawandaang kabahayan na ang napinsala at libuo-libo na ang nagsilikas.
Isa ring problema ng mga residente ang posibleng pagkamatay ng kanilang water supply sa oras na ma-pollute ito ng lava.