Pinapurihan ng Federation of Free Workers ang paninindigan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag suportahan ang isinusulong na Revolutionary Government (RevGov) ng ilang pro-administration supporters.
Ayon sa grupo, ang naging pasya ni AFP Chief of Staff Lt/Gen. Gilbert Gapay ay patunay lang na kakampi ang mga sundalo bilang tagapagtanggol ng saligang batas at ng mga Pilipino.
Magugunitang ibinasura ng nagkaisa labor coalition ang naging panawagan ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Council (MRRD – NEC) na magtatag ng RevGov.
Ito’y dahil sa mariing tinututulan ng grupo ang anumang uri ng diktadorya o authoritarian na pamamalakad sa pamahalaan na anila’y tahasang pagbasura sa 1987 constitution.