Ikinatuwa ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang pagbasura ng Commission on Elections (COMELEC) sa disqualification case laban sa dating senador.
Ayon kay Atty. Vic rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ni Marcos, matagal na nilang itinuturing na nuisance petitions ang mga kaso laban kay Bongbong.
Ipinapakita ng desisyon ang pagkatig ng COMELEC sa rule of law.
Sa statement pa na ipinadala ni Rodriguez, nagsinungaling aniya ang petitioners ng Ilagan Akbayan Etta Rosales at Mangelen dahil sa paggamit ng maling probisyon ng batas.
Patuloy naman ang panawagan ng kampo ng dating senador na tigilan na ang pagkakalat ng kasinungalingan at sa halip ay magkaisa para sa magandang bukas.
Maliban kay Marcos, welcome rin para sa ka-tandem nito na si vice presidential candidate Sara Duterte ang pagkabasura sa petisyon.
Sa pamamagitan kasi nito, nakikita ni Mayor sara na tuloy-tuloy ang kandidatura ng ka-tandem at ang pangangampanya para sa Halalan 2022. —sa panulat ni Abigail Malanday