Kinontra ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Augusto Lagman ang pagbasura ng COMELEC sa panukalang hybrid voting system para sa 2016.
Iginiit ni Lagman na naging matagumpay ang mock elections gamit ang hybrid system na ginawa sa Cavite, kaya’t hindi makatuwirang ibasura ito ng COMELEC.
Ayon kay Lagman, hindi binanggit ng COMELEC sa report nito na ang nagpabagal sa hybrid system ay mga diskusyon ng election lawyers.
Binigyang diin pa ni Lagman na hindi information technology practitioners ang gumawa sa PATAS o Precint Automated Tallying System.
Nagtataka rin si Lagman kung bakit P16 billion pesos ang tantiya ng COMELEC na gagastusin sa hybrid system.
By Judith Larino