Inasahan na nila Kabayan Partylist Representative Harry Roque na magiging mahirap ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Commission on Elections o COMELEC Chairman Andy Bautista.
Bagaman ibinasura na ng House Justice Committee ang Impeachment ay tiniyak ni Roque na kanilang bubuhayin ang reklamo laban sa poll body chief.
Samantala, kumbinsido rin si Patricia Bautista na sadyang makapangyarihan ang kanyang asawang si Andy lalo’t tila hawak nito sa leeg ang maraming pulitiko kaya’t hindi madaling magsampa ng kaso laban dito.
Ulat ni Jill Resontoc