Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Makati Regional Trial Court branch 148 na nagbasura sa arrest warrant para kay dating Senador Antonio Trillanes IV.
Sa desisyong pinonente ni Associate Justice Edwin Sorongon noong Mayo 31, ibinasura ng CA special 11th division ang petisyon ng gobyerno na humihirit na baligtarin ang ruling ni Judge Andres Soriano ng Makati RTC branch 148 noong Oktubre 2018.
Ibinasura ni Soriano ang hiling ng Department Of Justice na mag-issue ng arrest warrant laban kay Trillanes dahil sa pagkakasangkot nito sa Oakwood mutiny noong 2003 batay sa proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang-bisa sa amnesty ng dating navy officer.
Ayon sa appellate court, hindi pinagbabawalan sa ilalim ng 1987 constitution ang Pangulo sa pagpapawalang-bisa sa isang amnesty kung makitaan niya ang isang recipient ng kabiguang tumalima sa mga kondisyon.
Sa kaso ni Trillanes, binigyang-bigat ng CA ang findings ng trial court na naghain ang dating mambabatas ng application for amnesty noong Enero no at umaming guilty sa kanyang krimen taliwas naman sa pahayag ng gobyerno.
Ipinunto rin ng CA na balido ang desisyon ng trial court na ibasura ang kasong coup d’ etat (ku-de-ta) ni Trillanes noong Setyembre 2011 dahil sa amnestiya.—sa panulat ni Drew Nacino